United States or Sri Lanka ? Vote for the TOP Country of the Week !


Pinapanhic na sa bahay ang príncipeng si don Juan, at ang ermitaño naman ang pagcai'i, inilagay. Umupo na sa lamesa nagsalo silang dalaua, ay sa príncipeng naquita tinapay na limos niya. At nag-uica capagdaca sa loob niyang mag-isa, itong tinapay cong dalá ay baquit narito baga. Yaóng aquing linimosán leprosong gagapang-gapang, sacá dito'i, ibá naman ermitaño ang may tangan.

Ano ay caguinsa-guinsa ang lúpa ay umugong na, siyang pagdating pagdaca nang serpienteng palamara. Sa hagdana'i, lumapit na tinauag na si Leonora, amóy manusia aniya dito'i, may tauo cang ibá. Sumagót si don Juan sa serpienteng tampalasan, yaring espada cong tagláy aalis nang iyong búhay. Anang serpiente'i, ganitó iyan ang siyang hanap co, ualang pagsalang totoó icao ay bibihaguin co.

Cun yaón ang calooban nang haring aquing magulang aco ang gagaua naman isang mabuting paraan. Inutusan capapdaca si don Juan niyang sintá, doon sa caballeriza isang cabayo'i, cumuha. Iyong bibilangin lamang ay ang icapitong tunay na mangaling sa pintuan, ang cunin mo at siyahán. Dito'i, umalis na quita sa Berbania ay mouí na, at tayo'i, ipadadalá sa reinong Inglaterra.

Sa pag-uusap nila nang príncipe at princesa, siya nangang pagdating na nang giganteng palamara. Sa hagdan nang dumating na tinauag si doña Juana, amóy manusia aniya dito'i, may tauo cang ibá. Si don Jua'i, sumagót nga anong dami mong usisa, aco ang siyang nagsadyá sa princesa mong alagá. Anitong gigante naman malaqui cong catuaan, mayroon acong dinatnan na sucat cong icabuhay.