United States or Belgium ? Vote for the TOP Country of the Week !
Pinapanhic na sa bahay ang príncipeng si don Juan, at ang ermitaño naman ang pagcai'i, inilagay. Umupo na sa lamesa nagsalo silang dalaua, ay sa príncipeng naquita tinapay na limos niya. At nag-uica capagdaca sa loob niyang mag-isa, itong tinapay cong dalá ay baquit narito baga. Yaóng aquing linimosán leprosong gagapang-gapang, sacá dito'i, ibá naman ermitaño ang may tangan.
Nang siya'i, matapos naman pagtauag sa Vírgeng mahal, nuha nang isang tinapay at cumain capagcuan. Sa limang tinapay bagá na baon niyang talaga, iisa na ang natira na pangpauing gutom niya. Nang matapos nang pagcain sumalunga siyang tambing, sa aua nang Ináng Vírgeng ualang hirap na dinating. Nang dumating sa ibabao ang príncipeng si don Juan, doo'i, caniyang dinatnán isang leprosong sugatán.