United States or Guatemala ? Vote for the TOP Country of the Week !
N~guni't lumápit ang sanlazarohín sa baculan, kinuha ang hiyás na cumináng sa canyáng m~ga camáy, lumuhód, hinagcán ang hiyás na iyón, at saca nagpugay at bago isinubsób ang canyáng noó sa alabóc n~g bacás n~g dalaga. Ikinublí ni María Clara ang canyáng mukhâ sa canyáng abanico at dinalá ang panyô sa canyáng m~ga matá. Samantala'y lamapit ang isáng babae sa culang palad na anaki'y nagdárasal.
Mulíng cumináng ang isáng kidlát na nacasisilaw ang tindí. ¡Hindi, hindi fantasma! ang bigláng sinabi n~g distinguido ; mulí pang nakita co siyá; casinggandá n~g Virgen ... ¡Umalís na tayo rito't magbigáy álam tayo! Hindi na hinintay n~g sundalong ulitin pa ang pagyacag sa canyá't nan~gagsialís ang dalawá.
At tumin~galâ upang macakita sa cadiliman: n~g sandaling iyó'y cumináng ang isáng kidlát na inulit at pagdaca'y sinundán n~g malacas at calaguimlaguim na culóg. ¡Nacú! ¡Susmariosep! ang bigláng sinabi n~g sundalo, na nagcucruz at tulóy hinihila ang canyáng casama; ¡umalís tayo rito! ¿Anó ang nangyayari sa iyó?
Salita Ng Araw