United States or Northern Mariana Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
N~guni't lumápit ang sanlazarohín sa baculan, kinuha ang hiyás na cumináng sa canyáng m~ga camáy, lumuhód, hinagcán ang hiyás na iyón, at saca nagpugay at bago isinubsób ang canyáng noó sa alabóc n~g bacás n~g dalaga. Ikinublí ni María Clara ang canyáng mukhâ sa canyáng abanico at dinalá ang panyô sa canyáng m~ga matá. Samantala'y lamapit ang isáng babae sa culang palad na anaki'y nagdárasal.
¡Tunay n~gâ! ang ibinulóng ni María Clara. At hindî nalalaman ang canyang guinagawa'y dalidaling lumapit sa baculan n~g cúlang palad, at inilagay roon ang relicario na bago pa lamang cahahandóg sa canya n~g canyang ama. ¿Anó ang guinawâ mo? ang sa canyá'y itinanóng n~g canyáng m~ga caibigang babae.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap