United States or Vanuatu ? Vote for the TOP Country of the Week !
At sapagka't nagkakilala sila sa sayawan sa "Club Nacionalista" nang isang gabing kasama ni Martinez si Elsa, ang ginawa n~g manggagamot ay kinaulong ang lalaking ito n~g ang mestisang sinabi ang tukoy n~g kanyang pakikipagusap.
Sinasabi ko sa iyong mamaya na. Kung gayo'y tayna sa Pandakan. Subali't ... ayoko na yatang sa Pandakan tayo magtun~go. ¿Ibig mo sa aming klub? Mabuti, kung magkagayon. N~guni't lalong mabuti kung madaluhan natin kapwa ang dalawang sayawan sa gabing ito. ¿Sa klub at saka sa Pandakan pa? Una muna sa "Club Filipino", saka kapag maghahatinggabi na'y tumawid tayo sa Pandakan.
Ibig kong ibalita sa iyo, Elsa, anya, na sa m~ga sandaling ito marahil ay pinasisimulan na ang taunang sayawan n~g "Club Filipino", at gaya n~g pagkaalam mo, ako ay kaanib sa klub na iyan. Gayon ma'y wala ako sa sayawang iyon at n~gayo'y nasa piling mo, alangalang sa isa mong hiling na samahan kita sa Pandakan.
¡Mestisa! ... ¡ang mestisang lagi mong inihahatid sa alan~ganing kalagayan!... ¿Inihahatid sa alan~ganing kalagayan? Sukat na, Tirso. May sayawan n~ga pala kayo sa "Club Filipino", ang sabihin mo sa aki'y kung ano't hindi ka na naganyaya....