United States or Suriname ? Vote for the TOP Country of the Week !
¿Di ba tayo pasasa Pandakan? ang mayamaya'y naitanong ni Tirso, nang mamasdan niyang si Elsa'y parang naghihintay sa kanya n~g anomang sasabihin. Oo n~ga, isinagot n~g mestisa, n~guni't mamayang maghahatinggabi, pagkatapos na tayo ay makapagpasyal sa Escolta at makapanood sandali n~g sayawan sa Plaza Moraga. Kung gayon, ay tayo na.
Sinasabi ko sa iyong mamaya na. Kung gayo'y tayna sa Pandakan. Subali't ... ayoko na yatang sa Pandakan tayo magtun~go. ¿Ibig mo sa aming klub? Mabuti, kung magkagayon. N~guni't lalong mabuti kung madaluhan natin kapwa ang dalawang sayawan sa gabing ito. ¿Sa klub at saka sa Pandakan pa? Una muna sa "Club Filipino", saka kapag maghahatinggabi na'y tumawid tayo sa Pandakan.