United States or Jamaica ? Vote for the TOP Country of the Week !


At sa iyo naman, Santo,t, Pantas na Doctor, dumaraying din aco na idalan~gin mo aco sa Pan~ginoong Dios nitong capacumbabaang loob, sampon nang hinihin~gi co sa iyo dito sa pagnonovenas na ito, at nang cun mahouaran co ang cababaan mong loob, ang Dios na nagpaparan~gal at nagpapala sa mababang loob, ay pagpalain niya acong papagcamtin nang corona sa caloualhatian sa Lan~git. Siya naua.

Siya naua. ¡Aba Pan~ginoon at mananacop sa amin! na nagbigay cang pasunod sa Ama cong san Agustín, nang tularan niya ang manin~gas mong pagcaibig sa man~ga caloloua, at caya inibig niyang minahiguit ang mamatay siya, houag lamang niyang maquitang hinahamac ang man~ga tantong dapat igalang na man~ga casangcapan sa Simbahan, at houag mapanood nang maibiguin niyang mata ang libuti,t, pag-itanan nang caganiran nang man~ga ereges ang man~ga obejas niyang caual, at pinagcalooban mo rin siyang maglin~gid nang caniyang liuanag, at mamatay nang magpanibagong mabuhay sa lalong mabuting lan~git, at pinagpala mo siya sa caloualhatian nang Lan~git, at isiniping mo sa man~ga Apóstoles, ayon sa napahayag sa isang mahal at santong Obispo, at doo,i, nagbibigay siyang dilag sa ibang man~ga Santos, ayon sa naquita ni santa Gertrudis: Ay pagcalooban mo naman aco, Pan~ginoong co, nang totoong pagcaibig sa man~ga capoua co tauo, at ipagcaloob mo namang manatili sa tunay at totoong pananampalataya, at sa boong pagsunod sa santa Iglesiang Ina namin, itong caharian at ang sangcacristianohang bayan.