United States or France ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang ibig sana nilá'y silá ang macapamatnubay sa Pagsulong, n~guni't sa pagcá't nakikita niláng itó'y malacás at ibá ang m~ga hilig, silá'y nakikisang-ayon, at lalong minamagalíng niláng silá'y makisunod cay sa silá'y tahaki't yapacan, ó mátira caya sa guitna n~g marilím na daán.
Datapuwa't hindî nakikita ni Ibarra ang lahát n~gitó: napapagmasdan n~g canyáng m~ga matá ang ibáng bagay. Nacúculong ang isáng munting luang n~g apat na hubád at maruruming pader; sa isá sa m~ga pader, sa dácong itáas ay may isáng "reja"; sa ibabaw n~g maramí at casuclamsuclam na yapacán ay may isáng baníg, at sa ibabaw n~g baníg ay isáng matandáng lalaking naghíhin~galô; ang matandáng lalaking nahihirapan n~g paghin~gá ay inililin~gap sa magcabicabil
¡Dios co! ¡María Santísima! ¡Pumapasoc na ang tubig! ang sigaw n~g isáng matandáng babaeng ang pakiramdam niya'y nabábasâ na siyá. Nagcaroon n~g caunting caguluhan, ang iba'y tumitil-î, ang ibá namá'y íbig lumucsó sa túbig. ¡Yapácan ninyóng magaling ang bunót diyan! ang patuloy na sigáw ni Albino, at canyang itinuturò ang dácong kinalalagyán n~g m~ga dalaga.