United States or Botswana ? Vote for the TOP Country of the Week !


Mapahapong á las cinco nag-utos sa isang criado, si don Jua'i, tauaguin mo at siya'i, hinihintay co. Naparoo't, di sumuay itong príncipeng timtiman, anang hari'i, paquingan itong aquing cautusán. Ngayon sa gabing magdamag paua mong alising lahát, castillo at baterías huag cong maguisnan bucas. At sa dati'i, isauli mo tapat nang durungauan co, sa umaga'i, maguisnan co huag na hindi sundin mo.

Tinauag na si don Juan doon sa porterong bahay, siya nama'i, di sumuay naparoon capagcuan. Anitong hari at saysay ngayon ay iyong paquingan, at sa aquing cautusán sundin mo't, huag maliban. Aco'i, may isang cabayo ay mailáp na totoo, hindi pa sinasac-yan co sa umaga'i, mansohín mo. Cunin sa caballeriza doon natatali siya, sampú nang freno at silla naroon ding para-para.

Doon sa castillo bagá dadaanan tang dalauá, ay anim ang bateria tatayó ang centinela. At sa batería naman ay may cañong malalagay, na umaga'i, maguiguisnang pauang nangag-puputucan. Narito at cunin mo na itong mazo at barreta, sampóng pico at cuchara sa pag-gauá ay talagá. Quinuha na ni don Juan ang lahat nang casangcapan, at siya'i, noui na naman doon sa porterong bahay.

Capagdating ni don Juan hari'i, nangusap pagcuan, di co yata mabayaran ang lahat mong capagalan. Saca ngayon ang isa pa muling uutusan quita, anang príncipe at badyá ay iyo pong sabihin na. Sa canitang pagpapasial sa castillong cariquitan, ang singsing cong minamahal nahulog sa caragatan. At sa gabi namang ito yaón lamang ay cunin mo, sa umaga'i, maducot co sa ilalim nang unan co.

Salita Ng Araw

pagtanungan

Ang iba ay Naghahanap