United States or Togo ? Vote for the TOP Country of the Week !


Cun icao,i, may anac na babaye ay turoan mong matacot sa Dios, houag pagpapaquitaan nang n~gipin, paca-in~gatan ang canilang pagca virgen, turoang magmahal sa asal at magpaca hinhin, nang di lapastan~ganin nang binata. Houag tutulotan, na sa canilang pagtin~gin, ay mabasa ang cagaslauan at pagca mairoguin.

FELIZA: Sa malabis na cadun~goan nang man~ga bata cun quinacausap nang matanda ó mahal cayang tauo, ang marami ay quiquimiquimi at quiquilingquiling, hindi mabucsan ang bibig turoan mo, Feliza, si Honesto, na houag susundin ang ganoong asal, ilagay ang loob sa cumacausap sagotin nang mahusay at madali ang tanong, at nang houag cayamután.

Cun macarinig nang di catouiran at di mapan~garalan ang nan~gusap, ay paraanin; cun ang marinig ay lihis sa catotohanan, ay houag sagasain, nang di pagtalunan. Si Honesto,i, na sa panahon pa nang pagaaral nang ucol sa Dios, ganang sarilí at sa paquiquipagcapoua, tauo, caya turoan mong tumupad, nitong tatlong catungculan, na catampatang pagaralan nang isang batang cristiano.

Sa ualang matutuhang gauin, ay itin~galá co ang matá sa lan~git, at palibhasa,i, diyan co inaasahan na magmumulá ang tulong sa aquin. Ipinahayag co sa Dios, ang dinaramdam cong capighatian at aquing sinaysay yaong pinala~nging bigcas nang Profeta: aco,i, turoan mo Pan~ginoon cong sumunod sa iyong mahal na calooban, at palibhasa,i, icao ang Dios co.

Turoan mong maquípagcasundó si Honesto sa capóua bata, houag manampalasang magmura manungayao, at cun sacali,t, may lumapastan~gan sa caniya ay ipagtangól ang catouiran nang banayad na uica, at cun sacali nauucol na isumbong sa maestro, ay houag daragdagan, houag magpaparatang nang sala sa iba, sa pagnanasang maca panghiganti, sapagca,t, ang manghiganti; ay an~gat sa camahalan nang asal.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap