United States or Bahrain ? Vote for the TOP Country of the Week !


=Dapat sumapiling n~g inaapi= "Ipagtangól mo ang inaapi, at kabakahin ang umaapi." =Ang matalino'y mahinahon= "Ang taong matalino'y ang may pagiin~gat sa bawa't sasabihin, at marunong ipaglihim ang dapat ipaglihim." =Ang amá ay siyang pinaparisan n~g m~ga anak=

Dios na Poong co,t, Pan~ginoong Amá calarahin aco,t, iyong ipag-adyá, sinapit cong ito,i, malaquing pan~gambá titiisin co po cun iyong talagá. ¡Oh Vírgen Maríang Ináng masaclolo! patnubayi aco at ipagtangól mo, sacuna,t, lingatong niyaring catauan co matiis co rin po,t, ilayó sa tucsó.

Cun sacali macarinig sa capoua bata nang mura sa magulang ó camaganac na may bait ay ipagtangól nang banayad at matouid na sabi, at pagdating sa bahay ay ilihim at nang di pagmulan nang pagaaway.

Turoan mong maquípagcasundó si Honesto sa capóua bata, houag manampalasang magmura manungayao, at cun sacali,t, may lumapastan~gan sa caniya ay ipagtangól ang catouiran nang banayad na uica, at cun sacali nauucol na isumbong sa maestro, ay houag daragdagan, houag magpaparatang nang sala sa iba, sa pagnanasang maca panghiganti, sapagca,t, ang manghiganti; ay an~gat sa camahalan nang asal.

Cun ang caibigan ay maquitaan nang cabaitan at tapat na loob ay pagsasangunian, at di naman dapat pagcaitan nang magandang hatol ang nunuhang sanguni. Cun ang isa,i, pinaguupasalaan, ay dapat ipagtangól nang nacaririnig na caibigan, ipahahayag ang caniyang cabutihan at nang houag masiraan nang puri.