United States or Saint Vincent and the Grenadines ? Vote for the TOP Country of the Week !
N~gayong masunód co na ang cahingian mong sumulat aco sa iyo, ay nauucol namang gantihin mo itong aquing sulat, at isaysay mo naman sa aquin ang magandang aral na tinangáp mo sa marunong na Maestra, diyan sa Maynila, sa loob nang apat na taong icao,i, tinuturuan. Dito,i, lulutasin co itong aquing titic: Adios, Urbana, hangang sa aco,i, sagotin mo. Si Urbana cay Feliza. Manila ...
FELIZA: Sa malabis na cadun~goan nang man~ga bata cun quinacausap nang matanda ó mahal cayang tauo, ang marami ay quiquimiquimi at quiquilingquiling, hindi mabucsan ang bibig turoan mo, Feliza, si Honesto, na houag susundin ang ganoong asal, ilagay ang loob sa cumacausap sagotin nang mahusay at madali ang tanong, at nang houag cayamután.