United States or Libya ? Vote for the TOP Country of the Week !
¡Tunay n~gâ, ang trompetero sa Sackingen! ang idinugtóng ni Ibarra, na hindî mangyaring dî makipanayam sa bagong casayahan. ¿Nárinig na ninyo? ang ipinagpatuloy ni Albino; cayâ n~gâ ibig cong tingnan cung magcacaroon acó n~g gayón ding capalaran.
Datapuwa't ¿cami ba'y bíbin~gihin mo, hereje? ang sigáw sa canyá ni tia Isabel. ¡Guinoong babae! ang sagót n~g naguing seminarista n~g boong cataimtiman; may nárin~gig acóng sinasabing isá raw dukháng trompetero doon sa m~ga pampan~gin n~g Rhin, na nacapag-asawa, sa isáng dalagang mahal at mayaman, dahil sa pagtugtóg n~g trompeta lamang.
Salita Ng Araw