United States or Slovakia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Bagaman hindi nauunawa n~g m~ga nagsisipanood ang lahat n~g canilang tacapan, hindi n~ga cacaunti ang catuwaang canilang tinatamo at canilang hinihintay na dumating hanggang sa pag-aaway n~g camáy. Sa cawalang capalaran ay dumating ang cura na siyang pumayapa. ¡M~ga guinoong lalaki, m~ga guinoong babae! ¡Laking cahihiyan! ¡Guinoong Alferez!
¡Tuman~gis ca, anac, co, tuman~gis ca! ang canyang sinabi, at siya'y lumapit sa higaan: cung gaano calaki ang iyong pagtan~gis ay gayon din ang pagcadali n~g pagpapatawad sa iyo n~g Dios. Gamitin mo ang pighating "contrición" sa pagca't lalong magaling cay sa "atrición." ¡Tuman~gis ca, anac co, hindi mo nalalaman cung gaano ang aking galac na tinatamo sa panonood co n~g iyong pag-iyac!
Dating aco'y may dalawang anac na lalaki, isang anac na babae, isang bahay, isang cayamanan; aking dating tinatamo ang pagpipitaga't pagmamahal n~g madla; n~gayo'y isang cahoy na pinutlan n~g m~ga san~ga ang aking cawan~gis, lagalag, nagtatago, pinag-uusig sa m~ga cagubatang tulad sa isang halimaw, ¿at anong dahil at guinawa sa akin ang lahat n~g ito?