United States or Nauru ? Vote for the TOP Country of the Week !
Narito po't, iyong cuha capirasong baro niya, sa ermitañong maquita ay inabót capagdaca. Hinagcán na't, tinangisan yaong baro niyang tangan, luha sa mata'i, bumucal parang agos ang cabagay. At nag-uica nang ganitó Jesús na Panginoon co, ngayon lamang naquita co ang mariquit na baro mo. Ang hindi co naquita catauan mong mapanintá, di co nababayaran pa ang aquing nagauang sala.
Sa ermitañong maquita ang damit na mahalagá, pinalapit nanga siya at quinuha capagdaca. Pagca-abót ay hinagcán at caniyang tinangisan, at ang uicang binitiuan calunos-lunos paquingán. Si don Juan ay nagtacá sa ermitañong naquita, lumalo pa nga sa isa dalang catandaan bagá. Ang balbás niya sa baba ay sumasayad sa lupa, balahibo'i, mahahaba mapuputi namang paua.