United States or Estonia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Hindi niya inibig ipagcatiwala can~gino man ang canyang maputi at maliit na camay, datapuwa't hindi sa pagcuculang tiwala, sa pagca't hindi mamacailang nagbigay siya sa ilang lagalag na m~ga tagaibang lupain at m~ga tagarito n~g m~ga pamuti at m~ga hiyas na hindi maulatan ang cahalagahan.
At inuulit sa báwa't tagaibáng báyang lumalapit, ang macalilibong canyáng sinábi na: ¿Nalalaman bâ ninyó ang áming itátayô? Talastasín ninyóng itó'y isáng escuélahan, huwáran n~g m~ga ganitóng bágay rin, catúlad n~g m~ga escuélahan sa Alemania, higuít pa ang cabutihan! ¡Ang arquitectong si guinóong R. at acó ang gumuhit n~g plano, at acó ang namamatnugot sa paggawâ! Siyá n~gâ, pô; tingnán ninyo. Itó'y maguiguing isáng palaciong may dalawáng pinacapacpác; úcol ang isa sa m~ga bátang lalaki at ang isá'y sa m~ga bátang babae. Magcacaroon dito sa guitnâ n~g isáng malaking halamanang may tatlóng huwád sa bucál n~g túbig na sumusumpít na paitaas, at caligaligaya ang sambúlat n~g m~ga patác; m~ga púnò n~g cáhoy diyan sa m~ga taguilíran, maliliit na halamanan, at n~g ang m~ga báta'y magtatanim at mag-aalág
Salita Ng Araw