United States or Saint Lucia ? Vote for the TOP Country of the Week !
N~g bumalíc tayo sa bayan, at sa pagca't mainit na totoo ang araw, nuha acó n~g m~ga dahon n~g sambóng nasumísibol sa m~ga tabíng daan, ibinigáy co sa iyó't n~g ilagáy mo sa loob n~g iyóng sombrero, at n~g di sumakít ang iyóng ulo. N~gumitî icáw n~g magcágayo'y tinangnán co ang camáy mo at nagcásundô na catá.
Huag, huag at marurumihan ang inyong dan~gal na sumakit sa gaya niyan, ang marapat na gawin dayukdukin sa hapis at saka bayaan. Pedro. Kung gayon alsa tayong lahat. Babalaan at waring mag-aalisan . Agong. ¿Saan kayo magsisiparoon? Bakokoy. Huag mo na kaming habulin n~g hindi ka mapahamak. Lalabas si María may dalang ilaw . Maria. ¿Sinong pan~gahas iyan? Agong. Ako Maria. Maria.