United States or Syria ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang utos niya'i, ganitó siya rao ay may cabayo, ay mailáp na totoo, bucas dao ay mansohín co. Sagót nang princesang mahal ó sinta co't, aquing búhay, baca di mo naalaman ang cabayong tuturuan. Siya rin nga at di iba sa cabayo ay papara, saca ang rienda'i, silla ang capatid cong dalaua. At aco ang freno naman nang cabayo mong sasac-yan, icao ay magpacatimbang at doon ca mamamatay.
At cun baga mahina na lumuluha na ang matá, saca mo subuan siya nang freno sampú nang silla. Ang bahala naman aco sa bibig nitong cabayo, sa pagca aco ang freno ang rienda'i, alagaan mo. Capag-iyong linubayán ang riendang iyong tangan, sa alapaap tatahán ang cabayong sinasac-yán. Icao nga ay malalaglag at ang hangin ay malacas, sa lupa ca malalagpac lamán mo'i, mananambulat.