United States or Tokelau ? Vote for the TOP Country of the Week !
Huag bayaang lumuag ang riendang iyong hauac, palo't, taquid nang espuelas nang manghina siyang agad. At cun baga mahina na lauay ay tumutulo na, iyong ibalíc pagdaca doon sa caballeriza. Nang ito ay masabi na ang lahat na bilin niya, umalis na ang princesa si don Jua'i, iniuan na. Ano'i nang quinabucasan naparoon si don Juan, ay dinatnan sa hagdanan ang lahat nang casangcapan.
At cun baga mahina na lumuluha na ang matá, saca mo subuan siya nang freno sampú nang silla. Ang bahala naman aco sa bibig nitong cabayo, sa pagca aco ang freno ang rienda'i, alagaan mo. Capag-iyong linubayán ang riendang iyong tangan, sa alapaap tatahán ang cabayong sinasac-yán. Icao nga ay malalaglag at ang hangin ay malacas, sa lupa ca malalagpac lamán mo'i, mananambulat.
Salita Ng Araw