United States or Belize ? Vote for the TOP Country of the Week !


Sa cahilin~gan co'y cung susuay siya babahá nang dugò ang Reynong Borgoña, at man~ga pupucsa silang para-para sa aking dadalhing malaking armada. Matapos ang bilin ay agad nag-lacbay sa Borgoña yaong man~ga inutusan, nang dumating doo'y sinabi ang pacay sa mahal na Haring macapangyarihan.

Ano'y nang maharap sa Haring cay Clovis ang canilang layon ay ipinagsulit, anila ay cami inutusang tikis niyong aming Haring sa tapang ay labis. Na namamahala sa Reynong Italia at dalauang bagay yaong hin~gi niya, ialay n~gayon din ang Cetro't Corona ó ang pasalual tayo't magbatalla.

Gayong cailan~gan ay nang maisaad sa mahal na Haring agad na guinanap at iba pang man~ga cailan~gang dapat sa pagsasacdalan n~g sa Haring hirap. Tanang bagay-bagay ay nang mahanda na tinun~go nang Conde ang Reynong Borgonya pagca't malapit nang dumating ang Pascua niyong pan~gan~ganac sa nacop sa sala.

Saca tan~gi ditoy ang man~ga ligalig nang Francia't Borgonya ay matatahimic, at mag-iisa nang damdamin ang dibdib at maiilagan ang pagcacaalit. Dirin hamac namang pan~gan~gahasan pa nang cahima't sino ang Francia't Bogonya, sa pagca at mapagtatalastas nila na iisang loob ang Reynong dalaua.

Mabunying Infante Estatira bilang n~galan nang canilang Anác na pan~ganay, ang bunso'y Infanta Clotildeng timtiman sa Reynong Borgoña'y tan~ging cagandahan. Bucod sa caniyang cagandahang angkin ay nahiyasan pa nang bait at hinhin, at nang cabanalang pagca-masintahin sa Dios na Poon at sa Ináng Virgen.

Ang tugon nang Hari ay iyong sabihin cun ano ang ating cacailan~ganin, na nauucol mong doon ay taglayin sa Reynong Borgoñang iyong tutun~guhin. Tugon niyong Conde na si Aurellano ay isang singsing po ang ipagaua mo, na guintong dalisay saca ang retrato mo'y siyang tampoc na ilagay dito.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap