United States or Malaysia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Dahil sa balitang Infanta Clotilde na taga Borgoñang hirang na babae, ay siya cong nasang maca-isang casi caya isipin mong paraang mabuti. Ito n~ga ang sanhing di co icaidlip sa araw at gabi di icatahimic, huag mong payagan di camtan nang dibdib yaong si Clotildeng pinaca-iibig.

Yaong tatlong araw ay nang maganap na sa Hari ay nan~gag-paalam na sila, at nan~gagsibalic sa Reyno nang Francia at sa Haring Clovis humarap pagdaca. At ipinagsabi yaong casagutan niyong sa Borgoñang Haring pinaglacbay, at nang matapos nang canilang isaysay ang lahat, sa Hari ay sinabi naman.

Ang tugon nang Hari ay iyong sabihin cun ano ang ating cacailan~ganin, na nauucol mong doon ay taglayin sa Reynong Borgoñang iyong tutun~guhin. Tugon niyong Conde na si Aurellano ay isang singsing po ang ipagaua mo, na guintong dalisay saca ang retrato mo'y siyang tampoc na ilagay dito.

Cayo ay maglacbay sa Borgoñang Reyno at ipatalastas ang cahilin~gang co, sa Haring lisanin ang pagca-cristiano at sila'y sumamba sa man~ga Idolo. O, cung dili caya siya'y magbibigay n~g buis sa baua't isang taóng araw, na ayon sa aking maguing cahin~gian at siya'y sacop co ang catotohanan.