United States or Cuba ? Vote for the TOP Country of the Week !


Gayong cailan~gan ay nang maisaad sa mahal na Haring agad na guinanap at iba pang man~ga cailan~gang dapat sa pagsasacdalan n~g sa Haring hirap. Tanang bagay-bagay ay nang mahanda na tinun~go nang Conde ang Reynong Borgonya pagca't malapit nang dumating ang Pascua niyong pan~gan~ganac sa nacop sa sala.

«¿Mangyayari caya namang paghatiin «yaring aquing puso,t, papagdalauahin, «ang isa,i, ibigay sa Nacop sa aquin, «at ang icalaua,i, sa may sintang hain? «Cayong sari-saring naritong bulaclac, «ang sinasacsi co nitong pan~gun~gusap, «na sucdang maguho ang sang maliuanag «di co dudun~gisan yaring pagca-uagas.

Tatlong daa't lima ang man~ga may sakít sa araw na yao'y gumaling na tikis, caya n~ga't sa puso nila'y nan~gatitic ang himalang yaon nang Dios sa Lan~git. Ang Prelado Daniel ay cumuha naman niyong isang paco nang nacop sa tanan, at sa relicariong guinto'y ilinagay isang bagong taong gumaling ang damdam.

Casabay ang hibic at man~ga pagluhog sa di matingcalang maauaing Dios, at ang Pasión niya'y nang lalong mabantog ang bagong himala'y ipinagcaloob. Sa oras ding yaon namang capagdaca ang coronang tinic nang nacop sa sala, nagsipamulaclac na caayaaya ang samyo nang ban~go ay ualang capara.

Ualang di gumaling na man~ga may damdam doon sa Reliquias nang nacop pa tanan, caya't nan~gagpuri nang di ano lamang sa Dios na ualang hanggang caauaan. At saca isa pang sangol na patay na ang muling nabuhay na cataca-taca, dahil sa cay Cristong pacong mahalaga'y siyang naguing lunas na nagpaguinhaua.