United States or Trinidad and Tobago ? Vote for the TOP Country of the Week !
Isinulit mo pang sa iyong pagdating ang iyong pan~gako'y sadyang tutuparin, ang aking pagasang puyapos n~g dilim ay kinabakasan n~g bahagyang aliw, paano'y umasang iyong tutubusin ang kunis n~g buhay sa guhit n~g libing.
Ang aking pagasa'y iyong ipinako sa kurus n~g dusa. Sa ganyang paraa'y di kaya manglambot ang kabuhayan kong puyapos n~g lungkot? At sa pagkabigo'y hindi ba himutok ang sa damdamin ko'y minsang maglalagos? Ang mukha n~g araw ay biglang lumubog sa likod n~g isang mapanglaw na bundok.