United States or Nigeria ? Vote for the TOP Country of the Week !


¡Abá, at síno pa ba? ¡Yaong tampalásang camacalawá n~g hapon ay bumuntal cay párì Dámaso sa daan! ¿Bumuntal cay párì Dámaso? ang tanun~gan n~g iláng voces. Warì'y n~gumitì ang coadjutor. ¡Túnay , caya't nararatay n~gayón si párì Dámaso! Sinasapantahang ang gumawâ n~g gayo'y si Elias ding sa inyo'y naglublób sa pusáw, guinoong alférez. Namulá sa hiya ó sa álac ang alférez.

Sa gálit n~g alférez ay inacálang siya'y ipatáhac, n~guni't cumúha ang táo n~g caputol na cáhoy at pinacapalòpálô ang úlo n~g háyop nang boong lakás, na anó pa't nábulagtâ ang cabayo't napatapon sa pusáw ang alférez.

¡Cung gayo'y iyán palá ang Elías na naghúlog sa alférez sa isáng pusáw! ang sábi ni Leóng nag-iísip-isip. ¿At paáno ang nangyaring iyón, paano? ang tanóng n~g iláng ibig macatantò n~g líhim. Ang sabi'y násalubong daw n~g alférez ang isáng táong may pas-áng cáhoy na panggátong, n~g isáng áraw na umuulan n~g mainam n~g buwán n~g Septiembre.

Totoong mapútic ang daan at sa tabí lamang may makipot na landás na malalakaran n~g iísang táo. Ang guinawâ raw n~g alférez ay hindî piniguil ang cabayo na siyáng dápat sana, cung bagcós pinatulin at sumigáw sa táong siya'y umudlót: tíla mandin hindî íbig n~g taong iyóng bumalíc sa pinanggalín~gan ó áayaw na málubog sa pusáw, caya't nagpatúloy n~g paglacad.

Salita Ng Araw

lubos

Ang iba ay Naghahanap