United States or Paraguay ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sila'y naulila sa ama bago naipanganak at ang kanilang ina ay hindi nabuhay ng isang araw man lamang pagkapanganak sa kanila. Nuon nga ay nakatira kami ng aking asawa sa nayong yaon, at sila'y aming kakapit-bahay. Ang ama'y gumagawa sa gubatan, at nabuwalan ng isang punong-kahoy; nasaktan ng di kawasa na anupa't pag-dating sa bahay ay inihandog ang kanyang kaluluwa sa Diyos.
Pagkakita sa akin ay nataho na kailangan ng Diyos ang kanyang kaluluwa; tumangis at nagsabi sa aking namamanhik: Anghel ng Diyos, ang aking asawa ay namatay, na nabuwalan ng isang punong-kahoy sa gubat; ako'y walang ina, o kapatid, o ali: ang aking mga ulila ay walang inaasahan, liban sa aking abang kaluluwa: pabayaan mo akong mapalaki ko ang aking mga anak; ipagpaubaya mong sila'y makalaki sapagka't ang mga bata ay hindi maaaring mabuhay ng walang ama o ina.
Salita Ng Araw