United States or Finland ? Vote for the TOP Country of the Week !
Pagkakita sa akin ay nataho na kailangan ng Diyos ang kanyang kaluluwa; tumangis at nagsabi sa aking namamanhik: Anghel ng Diyos, ang aking asawa ay namatay, na nabuwalan ng isang punong-kahoy sa gubat; ako'y walang ina, o kapatid, o ali: ang aking mga ulila ay walang inaasahan, liban sa aking abang kaluluwa: pabayaan mo akong mapalaki ko ang aking mga anak; ipagpaubaya mong sila'y makalaki sapagka't ang mga bata ay hindi maaaring mabuhay ng walang ama o ina.
Ang ama'y namatay, siya'y may dalawang anak na kambal at ipinamanhik sa akin na siya'y pabayaan kong mabuhay hanggang sa mapalaki niya ang kanyang mga anak na hindi mangyayaring mabuhay ng walang ama o ina. Hindi ko nga dala ang kaluluwang iyan.
Salita Ng Araw