United States or American Samoa ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang m~ga Propesor sa simulang aral ay cailan~gang mag taglay n~g catibayan n~g pagcabatsilier sa mataas na aral, at ang m~ga Propesor dito sa mataas ay magcacaroon naman n~g catibayang hauac n~g isang Licenciado ó Doctor sa ano mang san~ n~g carunun~gan. Ang m~ga Propesor sa m~ga carunun~gan ay cailan~gang maguing Doctor sa san~gang ituturo.

Ang ibang m~ga Apo ay pipiliin n~g m~ga tagapaghalal na ipalagay n~g capulun~gan n~g m~ga Propesor sa baua't Colegiong pagturuan n~g mataas na aral ó n~g carunun~gan, tig-isa ang baua't Colegio; n~g m~ga tagapaghalal na ipalagay n~g m~ga casan~ga sa baua't samahan sa pagcacalacal ó hanap-buhay na hindi nasasaclao n~g núm. 55, n~guni't bumabayad n~g m~ga ambagang pinacamalaqui sa lahat tungcol sa malinis na hanap na sumampa taontaon, tig-isa ang baua't samahán; n~g m~ga Director sa m~ga bahay na itayó sa pagcacaauang gaua sa m~ga cabayanan; at n~g m~ga umaambag na bumayad n~g malaqui sa lahat sa ambagan sa hanap-buhay.

Ang Tanun~gan, at sa capaniualaan nito'y ang m~ga Sanguniang cabayanan, ang cadóroonan n~g mataas na pan~gan~gasiua sa pagtuturo sa bayan, at dahil dito'y pag-aaralan at ihahamong sa Capisanan ang lalong mabuting pagpapatayó n~g m~ga Aralan at ang paraang lalong mabisa upang macapag aral ang lalong salát, at bucod pa'y pan~gan~galagaan na magcaroon ang m~ga Propesor nang catamtamang upa sa pagca't ang caalama'y isa sa malalaquing panulong sa icadadaquila n~g bayan.

Salita Ng Araw

kumilos

Ang iba ay Naghahanap