United States or Pakistan ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang ibang m~ga Apo ay pipiliin n~g m~ga tagapaghalal na ipalagay n~g capulun~gan n~g m~ga Propesor sa baua't Colegiong pagturuan n~g mataas na aral ó n~g carunun~gan, tig-isa ang baua't Colegio; n~g m~ga tagapaghalal na ipalagay n~g m~ga casan~ga sa baua't samahan sa pagcacalacal ó hanap-buhay na hindi nasasaclao n~g núm. 55, n~guni't bumabayad n~g m~ga ambagang pinacamalaqui sa lahat tungcol sa malinis na hanap na sumampa taontaon, tig-isa ang baua't samahán; n~g m~ga Director sa m~ga bahay na itayó sa pagcacaauang gaua sa m~ga cabayanan; at n~g m~ga umaambag na bumayad n~g malaqui sa lahat sa ambagan sa hanap-buhay.

Macahihin~gi din naman nitong capangyarihan sa Kapisanan at macahuhugot n~g isang Apo sa canila rin ang m~ga casangcap sa malalaquing samahan sa pagcacalacal at iba pang hanap-buhay na itayó n~g m~ga taga Pilipinas upang macapagbucas n~g m~ga mabibilis na daan at magcaabutan ang m~ga malalayong bayan ó di caya'y maisulong ang m~ga naturang hanap-buhay at guminhaua ang lahat.

Hihirang ang Presidente sa m~ga Tagatayó at Apong halili na at quinaquitaan nang ugaling ualang ipipintás sa pag ganap nang catungculan ó di caya'y sa man~ga nag gugol nang malalaquing paglilingcod sa bayan, n~g m~ga Kagauad n~g Pamunoan na siyang tutulong sa caniya sa paglulutas nitong m~ga susunod na san~: Una. Paquiquipanayam sa tagá ibang lupa at pagcacalacal. Icalaua.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap