United States or Bouvet Island ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang pooc n~g man~ga nayon ay tatauaguing bayan at ang pooc n~g man~ga bayan ay pan~gan~ganlang cabayanan. Ang Kapisanan n~g man~ga cabayanan ay siyang Katipunang tinatauag na República n~g Pilipinas. Ang República n~g Pilipinas ay namumuhay n~g sarili at ang pamahalaan niya ay ang nababagay sa caniyang pan~galan, sa macatuid ay ang pamamahala n~g isang República.

Sasangcap sa Sanguniang cabayanan ang Punong cabayanan na siyang Presidente, ang Punong bayan sa loob na n~g cabayan na siyang Pan~galauang Presidente, ang m~ga casanguning dinatnan n~g capanahunan sa cabilugan n~g m~ga catiuala at ang Kagauad n~g Pamunoang cabayanan; n~guni't ito'y di macapagbibibig ni macabobotos sa m~ga pagpupulong.

Upang matambin~gan ang capagalan n~g m~ga Tagatayó ay tatalagahan sila n~g canicanilang cabayanan nang catampatang upa sa caniyang Presupuesto ó Tandaan nang magugugol at nang pagcucunan nang gugugulin.

Ang Presidente at Pan~galauang Presidente n~g República ay ihahalal n~g m~ga cabilugan nang m~ga katiuala sa baua't cabayanan cahalintulad n~g paghahalal sa m~ga Tagatayó; n~guni't maquiquialam sa paghahalal bucod sa Punong cabayanan na pinaca Presidente ang m~ga Pintacasi n~g República sa bauat cabayanan na m~ga taga pagsiyasat casama n~g m~ga inihalal n~g m~ga catiuala, na siyang man~gan~galaga upang ang paghahalal ay madaos ayon sa ipinaguutos.

Sa Talaang ito maquiquita ang dami nang tauo at n~g man~ga umaambag na may carapatán at gayon din naman ang bilang n~g man~ga catiualang matun~god sa baua't bayan at n~g m~ga Tagatayó n~g baua't cabayanan, ayon sa man~ga susunod. Ang man~ga cabayanang bumilang n~g dalauang pu at limang libong mamamayang may carapatán ay magcacaroon n~g isang Tagatayó.

Sa pag gaua nito ay magsasadya ang Punong bayan sa baua't nayon, upang ang paghahalal ay maidaos ayon sa ipinaguutos. Ang pag hahalal sa m~ga Katiuala ay gagauin sa buan n~g Octubreng susunod at dahil dito'y lalacbayin nang Punong cabayanan ang baua't bayan.

Ang catungculan n~g Punong bayan at man~ga Pan~gulo ay tatagal n~g dalauang taon; at ang m~ga Punong cabayanan ay apat, liban na lamang cun bago lumampas ang taning na ito ay mapagquilala n~g Presidente na ang cagalin~gan n~g boong República at ang sariling cagalin~gan n~g cabayanang quinalalaguian ay nagcacailan~gang siya'y halinhan nang iba.

Ang icatlong bahagui n~g man~gasin~gil sa bauat bayan ay iin~gatan sa Tagoan n~g cabayanan na pan~gan~galagaan n~g isang nan~gan~gatungculan sa yaman sa ilalim n~g pamamahala n~g Punong-cabayanan na siyang magaatas n~g pagcacagugulan at n~g m~ga Casanguning-cabayanan na mag hahalihalili sa catungculang umayon sa pagpapabayad.

Baua't Punong bayan ay tutulun~gan nang m~ga Pan~gulo sa paninin~gil bauat icatlong buan n~g m~ga ambagan, at ang masin~gil ay aalagaan n~g Kasanguning may pagaaring casiyang ipanagot, na siyang pipilma pagtangap sa m~ga tandaan n~g paninin~gil, hangan maisulong ang masin~gil sa Tagoan n~g cabayanan.

Ang katungculang Apo ay casing tagal n~g sa Tagatayó, at itong dalauang catungculan ay di mapipisan sa isang tauo at di rin malalangcapan n~g ano mang capangyarihan sa pagpaparusa sa tauong bayan. ICALIMANG CASAYSAYAN. Tungcol sa man~ga Sanguniang cabayanan at Sanguniang bayan .