United States or New Caledonia ? Vote for the TOP Country of the Week !


"Ang kabagayang pinaguusig n~g Katipunang itó ay lubós na dakila at mahalagá; papag-isahín ang loob at kaisipán n~g lahat n~g tagalog.

"Kapagkarakang mapasok dito ang sino man, tatalikdang pilit, ang buhalhál na kaugalian at paiilalim sa kapangyarihan n~g m~ga banál na utos n~g Katipunan." "Ang gawang lahat na laban sa kamahalan at kalinisan, dito'y kinasusuklaman; kaya't sa bagay na ito'y ipinaiilalim sa masigasig na pakikibalita ang kabuhayan n~g sino mang nag-iibig makianib sa Katipunang itó."

Ang pooc n~g man~ga nayon ay tatauaguing bayan at ang pooc n~g man~ga bayan ay pan~gan~ganlang cabayanan. Ang Kapisanan n~g man~ga cabayanan ay siyang Katipunang tinatauag na República n~g Pilipinas. Ang República n~g Pilipinas ay namumuhay n~g sarili at ang pamahalaan niya ay ang nababagay sa caniyang pan~galan, sa macatuid ay ang pamamahala n~g isang República.

"Sa pagkakailan~gan na ang lahat na nag-iibig pumasok sa katipunang itó, ay magkaroon n~g lubós na pananalig at kaisipán sa m~ga layong tinutun~go at m~ga kaaralang pinaiiral, ay minarapat na ipakilala sa kanilá ang m~ga bagay na itó, at n~g bukas makalawa'y huwag silang magsisi at tuparing maluwag sa kalooban ang kanilang m~ga tutungkulin."