United States or Cameroon ? Vote for the TOP Country of the Week !


Marahil ay ang Corresponsal n~g periódico, na winacasan ang pagsaysáy n~g fiesta at n~g lahat n~g m~ga nangyari sa ganitong paraan: "Macalilibong salamat, walang hangang salamat sa sumapanahon at masicap na pamamag-itan n~g totoong cagalanggalang na si pari fray Bernardo Salví, na hindi kinatacutan ang lahat n~g pan~ganib, sa guitna n~g bayang iyóng nagn~gin~gitn~git n~g galit, sa guitna n~g caramihang wala n~g pinagpipitaganan; waláng bastón, walang sombero'y pinayapa niyá ang m~ga galit n~g caramihan, na waláng ibang guinamit liban na lamang sa canyáng mapanghicayat na pananalita, at ang cadakilaan at capangyarihang cailan ma'y hindi nagcuculang sa sacerdote n~g isang Religión n~g Capayapaan.

Ang m~ga "mason," n~g m~ga panahong yaon, ay sila ang lumalagay na tagataguyod n~g kalayaan n~g bayan at sila'y pinagpipitaganan n~g maraming kababayan, lalonglalo na ang m~ga "masong" siná Rizal, Del Pilar, Lopez Jaena, at iba pa, na may m~ga pagtatanggol na ginawa ukol sa kalayaan n~g Pilipinas at lagi nang ipinagsasanggalang ang kaapihang tinitiis n~g kanilang kababayan.

Ang m~ga gayong dako na pinaglilibin~gan ay lubhang pinagpipitaganan nila, dahil sa kapaniwalaang kung yao'y bangitin ó galawin ó lapastan~ganin ay may mangyayari sa kanila na ang kanilang tawag ay balin ito'y dili iba't maging bato, ó magkasakit ó matamaan n~g kidlat ó iba pang kapahamakan kaya: kaya't sa m~ga dakong libin~gan nila ay naglalagay n~g bantay ó tanod upang huag daanan n~g ano mang sasakyan at sino man ay huag magsalita n~g kahit ano sa gayo't gayong panahon, dahil sa malaking kasalanan sa kanila ang lumabag sa gayong ugali.

Salita Ng Araw

lumuhód

Ang iba ay Naghahanap