United States or Bahrain ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang m~ga "mason," n~g m~ga panahong yaon, ay sila ang lumalagay na tagataguyod n~g kalayaan n~g bayan at sila'y pinagpipitaganan n~g maraming kababayan, lalonglalo na ang m~ga "masong" siná Rizal, Del Pilar, Lopez Jaena, at iba pa, na may m~ga pagtatanggol na ginawa ukol sa kalayaan n~g Pilipinas at lagi nang ipinagsasanggalang ang kaapihang tinitiis n~g kanilang kababayan.
Nang lumalaganap na ang "Katipunan" ang m~ga "mason" at ang kanilang m~ga "logia," ay paraparang nagsikilos upang sugpuin ang paglago n~g "Katipunan" at ang mabalasik na pagpapalaganap ni Andrés Bonifacio, di sa dahilang sila'y kampi sa pamahalaang kastila at sa m~ga "fraile," kundi sapagka't kailan man ang m~ga "masón," ay "ayaw ipaghiganti sa pagbubuhos n~g dugo ang m~ga kaapihang tinatamó."
Anopa't ang m~ga bagay na ganito, ang m~ga paguusig kina Rizal at m~ga kasamahan, na paraparang labag sa matwid, ay siyang lagi nang ipinagugunita upang magalab ang loob n~g m~ga kasapi. Bakit ang totoó ay talagang inis na't tigib na tigib ang pusong matiisin n~g m~ga pilipino sa madlang kaapihang ginagawa sa kanila n~g m~ga maykapangyarihan noon.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap