United States or Mexico ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nalalaman na pô ninyóng pinagdurusahan n~g apat na pong áraw sa apóy ang bawa't isáng salitáng waláng cabuluhán, ayon sa cura; ánim na pong áraw sa bawa't isáng dangcal na sinulid; dalawampo, bawa't isáng patác na tubig. ¡Cayó'y pasasa Purgatorio! ¡Malalaman co na cung paano ang paglabás co roôn! ang sagót ni hermano Pedro, tagláy ang dakilang pananampalataya.
Laguing guimiguiyaguis sa akin ang bigat n~g kahatulang iyaon sa nagawâng kasalanan, sa hindi rin iba't tunay kong anak na pinag-isipan kong gahisin, n~guni't ang gayong napakahamak ná gawa'y pinagdurusahan ko n~gayon n~g isang napakahirap na parusa, gaya n~g tinitiis kong pagkawalang kamatayan, ó pamamalaguing mabuhay sa ganitong ligalig. Paano po ang nangyari? ang pahanga kong tanong.