United States or Benin ? Vote for the TOP Country of the Week !
M~ga saysay ni Don Francisco Pi y Margall: "Sawíng palad n~gâ ang m~ga nasásacop n~g ating capangyarihan sa dacong Oceanía: hindî ipinagcacaloob sa canila ang m~ga "derechos políticos", ang m~ga carapatán ò catuwiran bagáng ucol sa táong namamayan, ayaw ipagcaloob sa canilá ang catuwirang magcaroon n~g m~ga tagapakiharáp sa Capulun~gang-Bayan, ayaw alsín sa canilá ang pamatoc na sa canila'y isinacláy n~g m~ga fraile, at pagca nauucol sa iguiguinhawa n~g canilang catawan sila'y nililimot na parang hindî m~ga caanib n~g España. ¿Papaanong iirog sa atin ang m~ga taong doo'y nananahan? ¿Papaanong hindî magdaramdam n~g malaking pagcainíp upang sila'y macaligtás sa cahariang sa canila'y namamahalang tulad sa m~ga unang panahon n~g pagcalupig sa canila?
Sa libro ring "Vida y escritos del Dr. Rizal" ay aking sisipiín ang m~ga saysay ni Don Francisco Pi y Margall, n~g sinabi n~g si Don Wenceslao E. Retana, ni Don Miguel de Unamuno at ni Guinoong Javier Gómez de la Serna, ang tatlong nauna'y castíl