United States or Aruba ? Vote for the TOP Country of the Week !
=1898.= Ika =24 n~g Mayo=, pagtanghal n~g paghimagsik at pagiging Dictador ni Aguinaldo. Ika. 12 n~g Hunyo, pagkukatanghal n~g uri n~g Pamahalaang sarili. =1898.= Ika =13 n~g Agosto=, pagsuko n~g Maynila sa m~ga amerikano. =1898.= Ika =15 n~g Septiembre=, pagkakaraos n~g unang kapulun~gang-bayan n~g pamahalaang sarili sa Malolos.
M~ga saysay ni Don Francisco Pi y Margall: "Sawíng palad n~gâ ang m~ga nasásacop n~g ating capangyarihan sa dacong Oceanía: hindî ipinagcacaloob sa canila ang m~ga "derechos políticos", ang m~ga carapatán ò catuwiran bagáng ucol sa táong namamayan, ayaw ipagcaloob sa canilá ang catuwirang magcaroon n~g m~ga tagapakiharáp sa Capulun~gang-Bayan, ayaw alsín sa canilá ang pamatoc na sa canila'y isinacláy n~g m~ga fraile, at pagca nauucol sa iguiguinhawa n~g canilang catawan sila'y nililimot na parang hindî m~ga caanib n~g España. ¿Papaanong iirog sa atin ang m~ga taong doo'y nananahan? ¿Papaanong hindî magdaramdam n~g malaking pagcainíp upang sila'y macaligtás sa cahariang sa canila'y namamahalang tulad sa m~ga unang panahon n~g pagcalupig sa canila?