United States or Aruba ? Vote for the TOP Country of the Week !
Dumadagundong n~g pag akyat sa bahay niyang sarili si Kadiliman, at siyang dahil n~g ikinagulat n~g kanyang asawa na waring na aalinpun~gatan, si Kadiliman ay ku-kumpas-kumpas, lakad n~g lakad sa loob n~g bahay, at manakâ nakang nagbubuntong hinin~ga kasabay ang salitang ¡gaganti ako! at sasabayan n~g upo sa mésa at pipigilan ang pluma, isasaw-saw sa tintero, si Lolay namang kanyang asawa ay nakasubok at namamanghâ n~g labis sa kay Kadiliman, at sa kanyang sarili ay binuka sa bibig ang salitang: ¡na u-ulol yata itong aking asawa! tutop na ni Agong Kadiliman ang kanyang makitid na noó; biglang lumabas sa silid si Lolay niyang asawa at tinanong n~g ganito: ¿Ano ang nangyayari sa iyo? n~gasab n~g n~gasab si Kadiliman at hindi pansin ang asawang nagugulumihanan sa kanyang ayos, at biglang naghimutok si Kadiliman natín, sinabayan pa n~g sabing ¡Pater Filus Patris! ang kahulugan ama, anak ko't m~ga kapatid ang hinin~ga ko'y nagkakasabid-sabid, muli na namang tumanong si Lolay: ¿Anong nangyayari sa iyo?
Salita Ng Araw