United States or Slovakia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Umaalin~gawn~gaw sa alang-alang ang música; napaimbulog n~g boong casayahan ang úsoc n~g m~ga caláng ang anyó'y manipís na ipoipo: umaawit ang túbig sa loob n~g mainit na palayóc; marahil ay m~ga salitáng pang-alíw sa m~ga isdáng patáy, marahil ay libác at cutyâ: nagpapapihitpihit ang bangcáy n~g buaya, cung minsa'y bigláng ipinakikita ang maputi at wacwác na tiyán, cung minsan nama'y bigláng ipinakikita ang may pintá at namemerdeng licód, n~guni't hindî nagugulumihanan ang táong minamahal n~g Naturaleza, sa gayóng caraming pagpatáy na cús
Sino ba iyan? ang tanóng ni María Clara cay Victoria, na itinurò sa isáng mabilís na sulyáp ang isáng binatang sa canilá'y sumusunod. Iyan ... iya'y isáng pinsan co, ang isinagót na halos nagugulumihanan. ¿At ang isá? Iya'y hindî co pinsan. ang dalidaling isinagót ni Sinang; iyá'y isáng anác n~g aking tía.