United States or Kazakhstan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Umaalin~gawn~gaw sa alang-alang ang música; napaimbulog n~g boong casayahan ang úsoc n~g m~ga caláng ang anyó'y manipís na ipoipo: umaawit ang túbig sa loob n~g mainit na palayóc; marahil ay m~ga salitáng pang-alíw sa m~ga isdáng patáy, marahil ay libác at cutyâ: nagpapapihitpihit ang bangcáy n~g buaya, cung minsa'y bigláng ipinakikita ang maputi at wacwác na tiyán, cung minsan nama'y bigláng ipinakikita ang may pintá at namemerdeng licód, n~guni't hindî nagugulumihanan ang táong minamahal n~g Naturaleza, sa gayóng caraming pagpatáy na cús