United States or Somalia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Si Elsa n~ga ay mamamalagi pang dalaga, hiyas na maningning na gaya n~g dati'y palamuting ayok sa bawa't kilusan n~g kabinataan; sariwang bulaklak na naghahalimuyak n~g sanghaya sa halamanan n~g pagibig, na ang m~ga talulot ay mapan~gan~gayupapaan n~g bawa't paroparong uhaw sa luwalhati....
Bulaan ang paroparong di maaakit sa bulaklak. pag ang ganda't kulay nito ay may tamis na kalangkap; gamogamo'y hamak lamang, pag ang ilaw'y walang ningas, datapwa't kung may sindi na'y bayani ring matatawag.
At naging parayso n~g ligaya't lugod pagsasalong yaon n~g m~ga alindog; na sinamantala noong makikisig pusong umiirog m~ga paroparong mababa't matayog. Ang maamong titig, ang mariing sulyap, panibughong n~giti, kilos na banayad, n~g sandaling yaon wari'y umuulang palasong matalas na di sumasala sa puso n~g liyag.
Salita Ng Araw