United States or Nicaragua ? Vote for the TOP Country of the Week !
At naging parayso n~g ligaya't lugod pagsasalong yaon n~g m~ga alindog; na sinamantala noong makikisig pusong umiirog m~ga paroparong mababa't matayog. Ang maamong titig, ang mariing sulyap, panibughong n~giti, kilos na banayad, n~g sandaling yaon wari'y umuulang palasong matalas na di sumasala sa puso n~g liyag.
"Tunay nga pô, dapwa't ang taal na púsong laláki ang púsong tinatangkílik ng karangálan ang púsong nananálig at umiirog sa matwid ang púsong napopoót sa mga hidwâng ásal, ay huling nagaala-ala sa kaniyang sarili, nililimot ang halagá ng saríling buhay at iniíbig pang ito'y maparoól maipagtanggól lámang ang katwíran ng isang kapw