United States or Germany ? Vote for the TOP Country of the Week !


Datapoua cun baga ang paglingsad nang buto nang hita ay sa harap nang may catauan, ay pahigain nang patihaya ang maysaquit, saca hihilahin nang malacas ang buto at isasaoli sa caniyang totoong quinalalag-yan. Saca tapalan nang bilin sa párrafo 275. Ang gagauin sa tauo na may butong nabali, at sa nabasag ang ulo.

Cun baga tadyang ang nabali, ang pag-gamot doo,i, para nang sa ibang man~ga butong nababali; houag lamang pahigain ang maysaquit; at cun ang ulo ang nabasag at ualang sugat, ay gayon din ang pag-gamot, houag lamang basain nang suca, cundi nang alac sa misa na tinubigan; basahin mo at sundin ang turo sa párrafo 273.

Datapoua cun minsan ay hindi cailan~gan itong ganitong gamot sapagca maraming sugat na lauon ay nababahao cun pahigain ang maysaquit, at latagan nang hilas ang sugat, at doonan pa sa ibabao nang hilas nang isang tapal na tinapay na durog, bulaclac nang alagao at tubig.

Cun minsan ang tauo,i, pinapasucan sa tayin~ga nang man~ga hayop na munti; at ang mabuti sa lahat doo,i, pahigain nang pataguilid ang may catauan, at sidlan nang tubig ang tayin~ga, at pagcaraca lalabas ang hayop. Ang bulutong na ang tauag nang castila doo,i, viruelas. Bago lagnatin ang tauong bubulutun~gin siya,i, ga namamanglao muna; madaling pauisan siya, at nananab-ang nang pagcain.

Salita Ng Araw

pinag-uusisa

Ang iba ay Naghahanap