United States or Peru ? Vote for the TOP Country of the Week !
¡Oh! Hindi naman magkakagayon marahil ... ang nawiwika n~g naninimdim na makata, kung dumarating sa dakong ito ang kanyang pagninilaynilay. At ang pinakatubig na pangpatay sa siklab n~g masusun~git na hinala, ay ang ganitong kanya ring nawiwika: Kaipala'y hindi lamang siya magkapanahon sa higpit n~g pan~gan~galaga n~g kanyang ina.
Nasa ganitong m~ga pagninilaynilay ang may katutubong lakas n~g loob na mestisa nang walang anoano'y ang kalesang kanilang sinasakya'y biglang nahagip n~g dumaragunot na ambulancia n~g "Hospital General" na nanggagaling sa Intramuros na tumatawid sa Padre Burgos at patun~gong Avenida Taft.