United States or Sudan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ikasiyam na n~g umaga; subali't ang m~ga hinihintay nila ay di pa dumarating. Sa malaking pintuan n~g pagawaan, ang bawa't tao ó m~ga taong makita nilang lumabás at lumalabas, akala nila'y siya nang hinihintay nila, siyang Lupong sinugo nila ... N~guni't parating nabibigo, parating nawawalan n~g saysay ang kanilang m~ga hinuha. ¡Pagkatagaltagal...! ang ulit-ulit na nawiwika n~g marami.
¡Oh! Hindi naman magkakagayon marahil ... ang nawiwika n~g naninimdim na makata, kung dumarating sa dakong ito ang kanyang pagninilaynilay. At ang pinakatubig na pangpatay sa siklab n~g masusun~git na hinala, ay ang ganitong kanya ring nawiwika: Kaipala'y hindi lamang siya magkapanahon sa higpit n~g pan~gan~galaga n~g kanyang ina.