United States or Portugal ? Vote for the TOP Country of the Week !
At pawa n~g gabing lubhang masusun~git na kasindaksindak, tanghalan n~g sakit, ang siyang sa n~gayo'y laging nilalayag n~g palad na amis, ikaw, ikaw Tuning, ang dahil n~g hapis ... N~guni't masaklap man ang nasapit naming laging naglalayag sa gabing madilim, pumayapa lamang ikaw sa tahimik, mapanglaw na libing at sa amin yao'y kapalaran na rin ...»
¡Oh! Hindi naman magkakagayon marahil ... ang nawiwika n~g naninimdim na makata, kung dumarating sa dakong ito ang kanyang pagninilaynilay. At ang pinakatubig na pangpatay sa siklab n~g masusun~git na hinala, ay ang ganitong kanya ring nawiwika: Kaipala'y hindi lamang siya magkapanahon sa higpit n~g pan~gan~galaga n~g kanyang ina.