United States or Burkina Faso ? Vote for the TOP Country of the Week !


¡Ang capanatagan n~g m~ga bayan! ang biglang sinabí ni Elías n~g boong capaitan. Hindî malaho't darating sa icalabinglimang taón mula n~g magca Guardia Civil ang m~ga bayang ito, at tingnan po ninyo: hangga n~gayó'y mayroon pa tayong m~ga tulisan, naririn~gig pa nating nilolooban ang m~ga bayan, nanghaharang pa sa m~ga daan; patuloy ang m~ga pan~gan~gagaw at pagnanacaw, na hindi napagsisiyasat cung sinosino ang m~ga gumagawa n~g gayon; nananatili ang m~ga casam-ang gawa, n~guni't lumalaya ang tunay na masamang tao, datapuwa't hindi gayon ang tahimik na mamamayan. Ipagtanong po ninyo sa bawa't mabuting táong namamayan cung canyang minamagaling ang Guardia Civil cung ipinalalagay niyang ito'y iisang tangkilik n~g pamahalaan, at hindi isang caloob na pilit, isang pamahalaang calupitang ang m~ga napapacalabis na m~ga gawa'y nacapagpapahirap pa n~g higuit cay sa m~ga catampalasanan n~g m~ga masasasamang tao. Tunay na n~ga't ang m~ga catampalasanang ito'y lubhang malalaki, n~guni't bihibihira lamang, at sa lahat n~g m~ga catampalasanang iya'y may capahintulitan ang sino mang macapagsanggalang; datapuwa't laban sa m~ga capaslan~gang gawa n~g m~ga Guardia Civil ay hindi itinutulot cahi't ang pagtutol man lamang, at cung hindi man sacali totoong malalaki n~guni't ang capalit nama'y sa tuwi-tuwi na at may capahintulutan ang m~ga pinuno. ¿Ano ang naguiguing bun~ga n~g Guardia Civil sa pamumuhay n~g ating m~ga bayan? Pinatitiguil ang pakikipanayam n~g bayan sa capuwa bayan, sa pagca't natatacot ang lahat na sila'y mapahirapan

Hindî mabibilang n~g isá sa loob n~g tatlông áraw ...at macabíbili n~g sinelas na úcol sa m~ga paa at sombrerong úcol sa úlo, pagcâ umiinit ang áraw, at isáng malakíng páyong pagca umúulan, at pagcain, at m~ga damít na úcol sa iyo at sa nánay at.... Nag-isíp-ísip si Crispin. ¡N~gayó'y dináramdam co ang hindî co pagnanácaw! ¡Crispin! ang ipinagwíc

At sabihin po ninyo sa akin, guinoó; ¿bakit hindi gumaya ang ibang m~ga nación sa pagtatatag n~g Guardia Civil, gayong dahil sa caniláng calapitan sa España'y marahil dapat nilang ipalagay na sila'y higuit ang cahalagahan cay sa Filipinas? ¿Baca po caya dahil sa hindi totoong napacadalas ang m~ga pagnanacaw at pan~gan~gagaw sa ferrocarril, hindi totoong marami ang m~ga panggugulong guinagawa n~g m~ga taong bayan, hindi totoong marami ang pumapatay n~g tao at hindi maraming totoo sa m~ga malalaking pan~gulong bayan ang nananacsac n~g sundang?

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap