United States or Slovenia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Nalalaman co, at nárito ang casám-ang lálò. Ang m~ga pagbabagong utos na nanggagaling sa mataas, pagdatíng sa baba'y nawawal-ang cabuluhán, dahil sa m~ga pangit na pinagcaratihan n~g lahát, sa halimbawa, ang manin~gas na han~gad na pagdaca'y yumaman at ang camangman~gan n~g bayang ipinauubáya ang lahat n~g gawín n~g may m~ga salanggapang na budhî. Hindî nasasalans

Mapapagsasalita co ang aking m~ga caibigan sa Madrid, "bayaran lamang sila," macapagsasalita aco sa Capitan General; n~guni't walang magagawang ano man ang m~ga caibigan cong iyon; walang casucatang capangyarihan ang Capitan General na ito upang magawa ang gayong caraming pagbabago, at aco nama'y hindi gagawa n~g ano man upang macamtan ang ganitong m~ga bagay, palibhasa'y tanto cong totoo, na cung catotohanan mang may malalaking m~ga capintasang masasabi sa m~ga capisanang iyan, sa m~ga panahong ito'y sila'y kinacailan~gan, at sila n~ga ang tinatawag na isang casam-áng ang cailan~gan.

Sa malaking pangguiguilalas ni Elías ay tumunghay at pinagmasdan si Ibarra na malaki ang pagtataca. ¿Cayo po ba nama'y naniniwala rin sa casam-áng cailan~gan? ang tanong na nan~gan~gatal n~g caunting tinig; ¿naniniwala po ba cayong upang macagawa n~g magaling ay kinakailan~gang gumawa n~g masama?

Hindi; ang paniniwala co sa casam-áng ang cailan~gan ay túlad sa isáng mahigpit na cagamutang ating guinagamit pagca íbig nating mapagalíng ang isáng sakít.

At ang balang bibig na binubucalan ng sabing magaling at catotohanan agad binibiac at sinisicangan ng calis ng lalong dustang camatayan. Oh! tacsil na pita sa yama,t, mataas oh! hangad sa puring hanging lumilipas icao ang dahilan ng casam-ang lahat niaring nasapit co na cahabaghabag.