United States or United States Virgin Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
At sabihin po ninyo sa akin, guinoó; ¿bakit hindi gumaya ang ibang m~ga nación sa pagtatatag n~g Guardia Civil, gayong dahil sa caniláng calapitan sa España'y marahil dapat nilang ipalagay na sila'y higuit ang cahalagahan cay sa Filipinas? ¿Baca po caya dahil sa hindi totoong napacadalas ang m~ga pagnanacaw at pan~gan~gagaw sa ferrocarril, hindi totoong marami ang m~ga panggugulong guinagawa n~g m~ga taong bayan, hindi totoong marami ang pumapatay n~g tao at hindi maraming totoo sa m~ga malalaking pan~gulong bayan ang nananacsac n~g sundang?
N~g gabing ito, ayawan cung dahil sa calapitan doon n~g bahay ni capitang Tiago'y dumating hanggang sa canya ang mapanglaw na canta ni María Clara, ó cung dili caya'y pinucaw n~g ibang m~ga tinig ang pagcaalaala niya n~g canyang m~ga dating canta, sa papaano man ang dahil, pinasimulaan niyang cantahin ang m~ga "cundiman" nang canyang cabataan.