United States or Liechtenstein ? Vote for the TOP Country of the Week !
Mainam ang canyang voces, at pagcâ narìrinig nilang siya'y umaawit n~g "cundiman", nan~gagsisiiyac, ayawan cung bakit. N~gúni't n~g gabing iyó'y nan~gan~gatal ang canyang voces at lumalabas n~g pahirapan ang tínig. Itiniguil ang canyang pag-awit at tinitigan niya ang cadiliman.
N~g gabing ito, ayawan cung dahil sa calapitan doon n~g bahay ni capitang Tiago'y dumating hanggang sa canya ang mapanglaw na canta ni María Clara, ó cung dili caya'y pinucaw n~g ibang m~ga tinig ang pagcaalaala niya n~g canyang m~ga dating canta, sa papaano man ang dahil, pinasimulaan niyang cantahin ang m~ga "cundiman" nang canyang cabataan.
Nawawatasan niyang magaling: marahil nauuhaw sa ulan ang pusong iyong mabato at tuyò, ayon sa "cundiman", tila baga mandin ay nanaog naman sa ibabaw n~g canyang pusò: "Ang calungcuta't guinaw at ang calamigang sa lan~git ay buhat, putos n~g balabal n~g gabing marilim at labis n~g panglaw"....