United States or Georgia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sumasabudhì n~g madlâ ang m~ga calupitáng dito'y guinágawâ n~g m~ga panahóng iyón. Ipinabilángo, ipinatapon ó ipinabitay bawa't filipinong numiningning dahil sa tálas n~g isip at sa pagsasangalang sa m~ga catwiran n~g lupang kináguisnan. Ang m~ga nangyaring itó'y nalimbag sa damdamin n~g batang si Jose Rizal.
"Tayo'y di m~ga pantás, caya hindî maririn~gal na talumpatî at dî maririkit na sulat ang ating idaraos; sa gawâ natin daanin: ang catubusa'y hindî nacucuha sa salita ó sa sulat; kinácamtan sa pagsasabog n~g dugô." "Talastas na ninyo ang calupitáng guinawâ sa ating capatid na si Dr.
Pakinggan n~g írog na bumabasa ang isinulat cay Guinong Mariano Ponce ni G. Fernando Blumentritt, pagcaalam nitò n~g calupitang guinawâ sa capatíd na hírang n~g canyang calolowa: "May sugat ang aking púsô!... Natatalastas mo ang calakháng dî ano lamang n~g sa caniya'y aking pag-irog!... Nan~gagsumakit ang lalong m~ga bantòg na tao sa Europa upang siya'y iligtás, datapowa't hindî nan~gagtagumpáy: ang cálolowang mahal na iyo'y naakyat sa lan~git, Macasasamáng totoo sa capangyarihan n~g castíl