United States or Bulgaria ? Vote for the TOP Country of the Week !
Isang dalagang mabait na ang n~galan ay Josefa, mauilihin loob sa Virgen María, sapagcat mulâ sa cabataan ay naramdaman na siya ay natatalaga sâ calagayan nang man~ga Hermanas de la Caridad, ay umalinsunod sa tauag at calooban nang Dios, at sa icalabing pitong taon nang malaquing casipagan, sa pagganap nang man~ga catungculang ipinagcatiuala nang man~ga punó sa caniya, at pagcatapus nang taon nang pagsuboc, ó año de noviciado, ay natuloy na ang pagsosoot niya nang hábito.
Anim na lingong nagtiagâ sa taimtim na pag amo cay San Josef, na siya ay tulun~gan, at sa icalabing pito nang naturang buan ay naquilala ang auá nang Dios sa caniya sapagcat sa arao na yaon ay nasalubong siya nang dating punó, at sa pagquiquita nila, ay nahabag sa lagay niya at pagsisisi, ay siya ay moling tinangap sa inalisang comunidad, cun matapus niya ang año de noviciado, na para nang una.